Tinolang Tahong

AJI-NO-MOTO® Umami Seasoning

Ingredients

  • 1 kutsara (15 ml) Mantika
  • 1 kutsara (15 grams) Luya, pinitpit
  • 1/4 cup (35 grams) Sibuyas, sliced
  • 1 kutsara (12 grams) Bawang, pino
  • 1 piraso Siling haba
  • 6 cups (500 grams) Tahong
  • 4 na tasa (1 Liter) Tubig
  • 2 kutsara (30 ml) Patis
  • Pinch Paminta
  • 1/2 pakete (5 grams) AJI-NO-MOTO® Umami Seasoning.
  • 2 cups (40 grams) Dahon ng Malunggay

Procedure

  1. . Ibabad ang tahong sa tubig na may asin sa loob ng 30 minuto hanggang 1 oras. Tanggalin ang tubig, hugasan at isantabi.
  2. . Sa isang mainit kaldero, maglagay ng mantika at mag-gisa ng luya, sibuyas, siling haba at bawang. Ilagay ang tahong at gisahin sa loob ng 2-3 minuto.
  3. . Maglagay ng tubig at takpan ang kaldero. Hayaan itong kumulo hanggang maluto ang tahong.
  4. . Timplahan ng paminta, patis at AJI-NO-MOTO® Umami Seasoning.
  5. . Idagdag ang malunggay at pakuluin ng isang beses.
  6. . Tanggalin sa apoy at iIhain sa pamilya habang mainit.

Cooking Tips

Bago lutuin ang tahong, ibabad muna ito sa tubig na may asin upang bumuka at ilabas ang lupa na maaring nasa loob nito. Matapos ibabad, hugasan ito ng tubig at maari ng iluto.

Rate our recipe

ajinomoto cooking_time  Cooking Time: 20 minutes ajinomoto prep_time  Preparation: 5 minutes ajinomoto servings  Servings: 4-5 ajinomoto size  Serving size: 1/2 tasa ng tahong (90 grams)

Products Used

AJI-NO-MOTO® Umami Seasoning Buy Now

Nutrition Facts

Calories per serving (kcal)
427
Carbohydrates (g)
69.6
Proteins (g)
15.2
Fat (g)
9.7
Dietary Fiber (g)
0
Calcium (mg)
192
Iron (mg)
5.1
Sodium (mg)
388.5

Good to Know Nutrition Facts

Ratings

No ratings yet.